Archive for January, 2006

I NeEd 2 Be IN-LuV

Wednesday, January 11th, 2006

Hearts The hardest thing I’ve ever done is keep believing there’s someone in this crazy world for me. The way that people come and go through temporary lives, my chance might come and I might never know. I used to say " no promises, let’s keep it simple " , but freedom only helps me say goodbye. It took a while for me learn that " nothing comes for free " the price I’ve paid is high enough for me. I know I need to be in-love, I know I’ve wasted too much time. I know I’ve ask perfection of this quite imperfect world, and fool enough to think thats what I’ll find.

So here I am with pocketsful of good intentions, but none of them will comfort me tonight. I’m wide awake at 4 AM without a friend in sight, hangin’ on a thought but I’m alright. I know I need to be in-love, I know I’ve wasted too much time. I know I’ve ask perfections of this quite imperfect world, and fool enough to think that’s what I’ll find.

Patay!!! RnR Na NamaN!!!

Tuesday, January 10th, 2006

Hammer Kanina pa ako nakaharap sa PC, parang nakatingin sa isang malaking kawalan… ano na nga bang gagawin ko?… aahhh, gagawa nga pala ako ng self-assessment para sa nakaraang taon, hiningan na kasi ako ng supervisor ko at kailangan na nya raw… ang hirap nito, iisa-isahin ko pa yung mga nakaraang accomplishments ko, may nagawa nga ba ako?.. hmmm… para ka kasing salesman nito, gagawa ka ng write-up tungkol sa mga accomplishments mo noong nakaraang taon, ibebenta mo yung sarili mo… tapos para kayong mga manok na pagsasabong-sabungin…hangaang malaman kung sino ang angat sa inyong lahat… kailangan gandahan ko ang write-up ko, dito kasi nakasalalay yung increase or promotion ko… pero ang hirap nito, wala akong maisip sa ngayon… para akong nag-eexam nito na wala nang maisagot sa test papers, kahit anong piga… bale bukas na lang, baka may pumasok na sa utak.. makapag-friendster na nga lang muna…. hehhehe!

bertdey ko!

Wednesday, January 4th, 2006

04 January 2006

Cake2 tinanghali na ako ng gising, nagmamadali akong bumangon dahil pupunta pa akong parlor/barberya para magpagupit mukha na raw kasing "repolyo" yung buhok ko hehehe!.. tiningnan ko yung celfone ko at may 12 sms mula kagabi pa na bumabati sa akin ng isang maligayang kaarawan, naisip ko marami pa rin palang nagmamahal sa halimaw na ito… matapos magpagupit, agad akong naligo at magsisimba ako sa Baclaran, 1st wednesday of the month and 1st wednesday of the year, kaya ayun ang daming tao… sa misa-novena isang bagay na sinabi ng pari ang tumama sa akin: " for all that has been…thanks; for all that will be…yes! " sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko..salamat, it made me who i am and i’m thankful for who i am now; sa lahat ng mga mangyayari pa lang… yes, you’re welcome. lahat ng darating pa ay kakayanin kong harapin and i hope that these will even make me a better person…. pag-uwi ko  ng bahay, nakasalubong ko na ang mga kaibigan ko, nagkaroon kami ng konting salu-salo, inuman, videoke kasama ang pamilya at malalapit na mga kaibigan… samakatuwid, naging masaya naman ang araw ko… nagpapasalamat ako sa mga tumawag, bumati, nakaalala, nag-text nitong birthday ko… kaso sabi ko nga di man lang nila naalala yung regalo ko hehehehe! ’til next time… Kiko

My One Bad Krismas..

Monday, January 2nd, 2006

alas-diyes trenta ng gabi, disyembre 24, 2005…

Krismas habang ang lahat ay abala sa paghahanda para sa kanilang noche buena, nandon ako sa aking kwarto… nakahiga, naka-jacket, naka-jogging pants at may suot pang pares ng medyas ang aking mga paa… nanginginig sa lamig, at masama ang pakiramdam… kaiinom ko pa lang ng 1 bioflu, 1 neozep at 1 antibiotic…  buseeet!… sa dinami-dami ba naman ng araw ng pwedeng tamaan ng trangkaso, bakit ngayon pa kung kelan paskong-pasko… naiisip ko tuloy yung mga kaibigan ko na kanina pa ako tine-text at asan na raw ako… baket daw wala pa ako samantalang unti-unti nang nabubuo ang tropa… haay! kamalas naman talaga!.. naron sila nag-iinuman na malamang, siguro ay may tama na ang iba at nagkakasayahan na habang kumakanta sa videoke.. malamang maraming pulutan, kanya-kanyang dala… kakainggit! samantalang heto ako halos di man lang makabangon sa kama, mapait pa ang panlasa at wala pang ganang kumain lang… sa labas ng bintana naririnig ko na rin ang ibang batang gising pa sa dis-oras ng gabi, masayang naglalaro at sabik na hinihintay ang pagsapit ng alas-dose ng gabi… di bale, matutulog na alng ako at iisipin ko na lang na bukas pag-gising ko mas masayang araw ang naghihintay sa aken.. sana…sana nga.Krismas2_1