pangasinan tripping
Monday, February 6th, 200615 January 2006
Alas tres ng umaga, gising na halos lahat sa bahay at nakabihis na, hinihintay na lang ang nirentahang FX ng kapitbahay at ang mga pamangkin ko, at kami’y lalarga na… pupunta kami ngayon sa Manaoag, Pangasinan… magbibigay pasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap noong nakaraang taon, at ako para sa nakaraang kaarawan… sa biyahe pa lang nakakatuwa na kasi kasama ko ang mga pamangkin ko sa likod ng sasakyan… kulitan, kantahan, at syempre maraming tanong habang bumibyahe…unang stopover sa Luisita Center sa Tarlac, sa Starbucks.. kuhaan ng litrato at syempre kape, kwentuhan at almusal… syempre, sa haba ng biyahe andun ang tulog, at pagka-inip, lalo na ang mga bata… sa wakas, nakarating din sa pupuntahan…matapos magsimba sa Manaoag, nagsindi ako ng ilang kandila at nag-alay ng dasal… syempre, nag-wish at humingi rin ng konting grasya… matapos, pumunta kami sa isa sa kamag-anak ng kasama namin na si Aling Remy, at dun kami nananghalian ng masarap… busog lahat at ang dami pang dalang pauwi na pasalubong… syempre, hindi rin pwede magtagal at mahaba ang biyahe… haay sa wakas natapos din ang araw… nakakapagod pero masaya… hanggang sa muling biyahe ni kikomonster!