Archive for March, 2006

To Love

Saturday, March 11th, 2006
Note: I just borrowed this article from one special lady… eventhough she doesnt know it,… it helps to know that someone has taken the same road as i did… thanks…
SOMEONE TO LOVE
Sometimes, in our relentless effort to find the person we love, we fail
to recognize and appreciate the people who love us.  We miss out on so
many beautiful things and simply because we allow ourselves to be enslaved
by our own selfish concerns.

Go for the man of deeds and not for the man of words for you will find
rewarding happiness not with the man you love but the man who loves you
more.  The best lovers are those who are capable of loving from
distance, far enough to allow the other person to grow, but never too far to feel
the love deep within your being.

To let go of someone doesn’t mean you have to stop loving, it only
means that you allow that person to find his own happiness without expecting
him to come back.  Letting go is not just setting the other person free,
but it is also setting yourself free from all bitterness, hatred and anger
kept in your heart.  Do not let the bitterness take away your strength and
weaken your faith, and never allow pain to dishearten you, but rather let you
grow with wisdom in bearing it.

You may have found peace in just loving someone from a distance not
expecting anything in return.  But be careful, for this can sustain life
but can never give enough room for us to grow.  We can all survive with
just beautiful memories of the past but real peace and happiness come
only with open acceptance of what reality is today.

There comes a time in our lives when we chance upon someone so nice and
beautiful and we just find ourselves getting so intensely attracted to that
person.  This feeling soon becomes a part of our everyday lives and the
sad part of it is when we begin to realize that this person feels nothing
more for us than just a friendship.  We start our desperate attempt to get
noticed and be closer but in the end our efforts are still unrewarded
and we end up being sorry for ourselves.

You don’t have to forget someone you love.  What you need to learn is
how to accept the verdict of reality without being bitter or sorry for
yourself.

Believe me, you would be better off giving that dedication and love to
someone more deserving.  Don’t let your heart run your life be sensible
and let your mind speak for itself.  Listen not only to your feelings but
to reason as well.

Always remember that if you lose someone today, it means that someone
better is coming tomorrow: If you lose love that doesn’t mean that you
failed in love.  Cry, if you have to, but make it sure that the tears
wash away the hurt and the bitterness that the past has lost with you.

Let go of yesterday and love will find its way back to you.  And when
it does, pray that it may be the love that will stay and last a lifetime.

A Valentine with Mt. Pulag

Friday, March 3rd, 2006

Day 1 Feb 15, 2006

Pulag00012 Alas nuwebe ng gabi ay nasa istasyon na ako ng Victory Liner sa Pasay City… dito ang aming usapang magkita-kita, at sasakay patungong Baguio.. bago mag-alas-diyes ng gabi ay kumpleto na ang lahat ng tatahak sa aming destinasyon: Mt.Pulag… saktong alas-diyes umalis ang bus patungong Baguio… at ang lahat ay natulog at nag-ipon ng lakas para bukas…

Day 2 Feb 16, 2006

Pulag0003 Alas kuwatro ng umaga, nasa Baguio na kami ngunit wala pa ang aming sundong jeep, kaya naisipan muna naming mag-almusal… sa Chowking sa may Session Road… naglakad kami mula istasyon ng Victory Liner Baguio hanggang Session Rd… nagkakatuwaan sa CHowking, may kuhaan ng video at camera na dala… maya-maya’y dumating na ang aming sundo… isang higanteng jeep… at nagsimula na aming paglalakbay hanggang sa bayan ng Bocod, Benguet… isang mahabang paglalakbay na puro alikabok, zig-zag at magandang tanawin… nag-stop-over kami para mananghalian kay "Jang Geum"…. sa daan, nagpa-picture kami sa Ambuclao Dam… bago magka-pananghali ay narating din namin ang Mt.Pulag Nat’l Park… huminto muna kami sa opisina ng DENR para umattend ng lectures at magpa-rehistro… dito na rin kami nagsibilihan ng aming mga souveneirs para sa akyat na ito…. bumili ako ng t-shirt at lalagyan ng cellphone na habi sa tela… maya-maya pa’y umalis n kami at sumakay uli ng jeep patungo sa Ranger’s Station, ang aming jump-off, mga dalawang oras pa ang aming binyahe…. Sa Ranger’s Station na kami nakapaghanda at nakakain ng aming pangalawang pananghalian… at nagsimula ang mahabang lakaran patungo sa tuktok ng Mt. Pulag….

Alas singko y medya ng hapon ay narating namin ang Saddle Camp, mga 30 minutos ang layo o pagtahak sa tuktok ng bundok, dito na kami magpapalipas ng gabi para bukas ng umaga ay masilayan namin ang pagbukang-liwayway sa Mt. Pulag…

Day 3 Feb 17 2006

Pulag00010 Alas kuwatro y medya ng umaga ay gising na ako para sa aming wake-up call, medyo masakit pa ang katawan pero handa na para sa pagtahak sa tuktok ng bundok…  gising na rin halos ang lahat at nagsisipag-almusal na at naghahanda na para sa aming pagtahak.. lahat ay nagsisipagpalitan ng kuwento tungkol sa naranasan naming lamig ng gabing nakaraan… halos umabot sa 9 deg Celsius ang lamig, at kahit mag-inom pa kami ng gin ay wala ring epekto… Alas 5 ng umaga pasado ay nasa tuktok na kami ng bundok, tamang-tama ang dating namin para masilayan ang pinakamagandang bukang liwayway na nakita ko… sulit ika nga ang lahat ng iyong pagod… napakaganda ng tanawin, mas mataas ka pa ngayon kaysa sa mga ulap, para kang nasa langit… kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang dagat ng karagatan na halos nasa iyong paanan… " I’m the King of the World!", yun lang ang nasambit ko…. sa isang bagay lang ako sumablay, ang tumae sa pinakamataas na bundok sa buong luzon (bwahahahha!).. paano’y masama ang tiyan ko ng umagang iyon at balak sana namin ng isang kasamahan ko na sa tuktok na ilabas ang aming "sama ng loob"… maipagmamalaki ko sana na amin ang pinakamataas na etsas sa buong Luzon ( pwede kaya yun sa Guinnes Record? ) bwahahahaha!….kaso’y may mga dayuhang kamag-anak ni Jang Geum na naroon rin sa tuktok ng mga oras na iyon… sila yung mga Koreanong aming nakasalamuha kahapon sa aming pagtahak, meron pa naman silang dalang video camera, at baka makita ko na lang ang sarili ko sa Arirang Channel sa cable…

Matapos sa tuktok ay agad na rin kaming naghanda para lumakad na sa aming susunod na pagtahak, patungo sa Akiki…  dito namin naranasan ang hirap ng pag-akyat habang tila animo’y may higantang electric fan na nakatutok sa amin habang umaakyat… matapos ang mahaba-haba ring pagtahak sa kaloob-looban ng Mossy Forest ay narating din namin ang Marlboro Country, kung saan namin ipinasyang mananghalian… matapos ang pananghalian ay itinuloy na rin namin ang pagtahak pababa sa ilog ng Edet,  dito na kami nag-camp para bukas na namin ituloy ang susunod na pagtahak patungo sa Akiki…

Day 4 Feb 18 2006

Pulag0006 Matapos ang almusal ng umagang iyon, agad na rin kmaing naghanda para sa aming paglalakbay pauwi sa Akiki… mga halos 3 oras din kaming naglakad bago marating ang aming huling destinasyon ang Akiki jump-off… dito, nag-log kami sa logbook katunayang kami ay umakyat o bumisita sa bundo ng Pulag… dito na rin namin hinintay ang aming sundong jeep patungo ng Baguio… mga halos 4-5 oras na namang paglalakbay sa maalikabok at zig-zag na daan patungong Baguio… Sa Burnham Park na kami nakaligo, sa wakas matapos ang ilang araw nakaligo rin… iba talaga ang pakiramdam ng bagong paligo…

Maghapon kami sa Baguio, matapos makakain ng hapunan ay nagkanya-kanya kaming grupo para gumimik… ang iba ay namasyal, nagpunta ng SM, nag-inom sa park at kami naman ay nagpunta sa UK ( ukay-ukay )… matapos manggaling sa UK, nagpunta na kami sa palengke ng BAguio para mamili ng aming pasalubong pag-uwi ng bahay… masaya na nakakapagod… alas-nuwebe ng gabi, nagkita-kita ulet kami para sabay-sabay ng umuwi patungo sa Victory Liner… mga alas-diyes ng gabi kami ay nakasakay na sa bus pabalik ng Manila… hay, natapos din ang aming adventure, makakapagpahinga na ako… bukas, hanggang sa ilang araw, madarama ko ang sakit ng katawan pero baon ko naman ang saya at magagandang tanawin dala ng baguio, benguet, at pulag… panalo ako, dahil nadagdagan din ang mga kaibigan ko… hanggang sa susunod na pagtahak…