Archive for April, 2006

For You I Will (Confidence)

Sunday, April 30th, 2006

For You I Will (Confidence)

Alright (Yeah, Yeah)

wandering the streets in a world underneath it all
But nothing seems to be
Nothing tastes as sweet as what I can’t have
Like you and the way that you’re twisting your hair round your finger
Tonight I’m not afraid to tell you
What I feel about you

Oh I’m gonna muster every ounce of confidence I have
And cannonball into the water
I’m gonna muster every ounce of confidence I have
For you I will, for you I will

Forgive me if I st-stutter
From all of the clutter in my head
Cause I could fall asleep in those eyes
Like a water bed
Do I seem familiar
I’ve crossed you in hallways a thousand times
No more camouflage
I want to be exposed
And not be afraid to fall

Oh I’m gonna muster every ounce of confidence I have
And cannonball into the water
I’m gonna muster every ounce of confidence I have
For you I will
You always want what you can’t have
But I’ve got to try
I’m gonna muster every ounce of confidence I have
For you I will, for you I will, for you I will, for you…

If I could dim the lights in the mall
And create a mood yea, I would
Shout out your name so it echoes in every room yea

That’s what I’d do
That’s what I’d do
To get through to you yeah

Oh I’m gonna muster every ounce of confidence I have
And cannonball into the water
I’m gonna muster every ounce of confidence I have
For you I will
You always want what you can’t have
But I’ve got to try
I’m gonna muster every ounce of confidence I have
For you I will, for you I will, for you I will, for you i will…

Groovin’ at Coco Grove Resort

Monday, April 17th, 2006

31 March 2006

Alas siyete y media ng umaga ay paalis na ang aming sinasakyang shuttle mula Intel patungong Batangas, ngayong araw na ito kasi gaganapin ang taunang summer outing ng Flash+ department, naisipan kong sumama kasi ngayon sa beach naman, noong nakaraang taon kasi ay sa pool lang ginanap, at gusto ko kasing bumalik sa Laiya, San Juan Batangas. Matagal na rin akong di nakakabalik roon, may ilang taon na rin. At nagsimula na ang mahabang paglalakbay… halos tatlong oras ang aming bubunuin sa loob ng bus, marating lang ang aming destinasyon… makatulog na nga muna… biyahe pa naman..

itutuloy…

Dalaw sa Batulao

Tuesday, April 4th, 2006

Day 1 16 March 2006

Batulao0004 Alas nuwebe ng umaga ay nasa Robinson’s Dasmarinas (Pala-pala) na kami ni Chito, nag-aabang sa tapat ng Jollibee sa iba pa naming mga kasamahan sa isa na namang adventure ng ITMC Cloudratz, sa Mt. Batulao, Nasugbu, Batangas. Maya-maya’y isa-isa nang nagdatingan ang mga kasamahan namin, napagpasyahan muna naming mag-agahan sa Jollibee habang ang iba’y may pagkakataong makapamili pa sa Supermarket ng kanilang babaunin. Mag-aalas-onse ng tanghali sumakay na kami ng bus patungong Nasugbu, matapos ang halos isang oras na biyahe narating na namin ang aming jump-off point: ang Evercrest Golf & Country Club. Marahil ay nagtataka kayo kung baket Golf Club, ako rin eh… pero dun talaga papasok sa lugar na iyon ang aming destinasyon. Napagkasunduan muna naming mananghalian sa katapat na karinderya para may lakas kami at hindi gutumin sa paglalakad, doon na rin kami nagsipaghanda para sa aming pag-akyat…

Batulao0011 Ala-una ng tanghali, sa kasagsagan ng init ng haring araw ay naglalakad kami patungo sa bundok ng Batulao, hango ito sa pangalang "Bato Sa Ilaw", ayon sa mga kuwento makikita mo raw ang kagandahan ng liwanag ng buwan sa gitna ng dalawang nagtataasang bundok kaya’t ito ay ipinangalang Batulao o "Bato Sa Ilaw". Masaya habang naglalakad, "walk in the park" ika nga… kada pahinga kain, inom ng softdrinks, inom ng buko…hehehe. Sobra nga lang init, dagdag pa ang nagkakaingin ng araw na iyon… para tuloy kaming iniihaw sa gitna ng araw.. alas kuwatro ng hapon ay narating na rin namin ang camp one, dito nagparehistro kami at nagbayad, nagpasya na rin kaming dito na muna magpahinga matapos ang ilang pahinga…hehehe!

Batulao0013 Mga alas-singko y medya ng hapon ay narating na namin ang camp seven, kung saan namin napagpasiyahang palipasin ang gabi.. nagsimula na naming itayo ang aming mga tent at naghanda na rin para sa aming hapunan… alas-siyete ng gabi, "socials! socials! socials!" siyempre hindi puwedeng mawala ang inuman, lalo na’t anjan si Jorge, si Edward, si Jojo, si Oni, si Chito at Ako!…hehehehe! Mga alas-diyes ng gabi ay dumating naman sina Lakay at Larry, mga nag-night trek, at meron silang dalang kuwentong makapanindig balahibo, mga naranasan nila habang binabagtas nila ang daan patungo sa aming camp site.

Day 2   17 March 2006

Batulao0021 Alas-singko y medya ng umaga ay binabagtas na namin ang trail pataas patungo sa summit… hindi pala ganun kadali, akala ko "walk in the park" na naman..mas mahirap pa pala ang daan nito patungo sa summit kaysa sa naranasan ko sa Pulag… durog na kasi ang trail at madulas.. kailangan naming mag-ala-spiderman o kaya’y parang talangka… pag dating sa summit, sulit naman ang view, 360 degrees tanaw mo ang batangas, cavite at laguna… siyempre hindi pwedeng mawala ang picture taking… pose! pose pa!… maya-maya’y heto na naman ang isa pang problema: ang pagbaba, kung gano kahirap umakyat, mas mahirap bumaba… pag dating sa camp site ay nagsimula na kaming magligpit ng gamit at kumain ng almusal… maya-maya pa’y tinatahak na namin ang daan pababa, pagdating sa camp one ay nagpahinga at napagpasyahang dito na lang mananghalian… mga alas dos ng hapon ay narating na rin namin ang Evercrest, dito kami nagpalit ng damit at kumain ng halo-halo (hindi namin ito nagawa kahapon)… ilang saglit ang nagdaan ay sakay na kami ng bus at binabagtas na ang aming daan pauwi… isa na namang nakakapagod ngunit masayang adventure ng ITMC Cloudratz… hanggang sa muli…